Pangunahing problema sa Lrt at Mrt sa Pilipinas.
Ang LRT / MRT ay mga tren na gamit din sa transportasyon sa Pilipinas. Marami ang sumasakay sa LRT/MRT dahil bukod sa mas makakatipid sa pamasahe ay mas mabilis kang dadalhin nito sa iyong paroroonan sa gusto mong puntahan . Kung ang positibong bagay sa pagsakay sa LRT/MRT ay makatitipid at mabilis, mayroon ding negatibong bagay ang pagsakay rito. Bilang marami ang sumasakay sa mga transportasyong ito, siksikan madalas ang senaryo na makikita dito. Siksikan, mainit, kahit pa sabihin nating (air conditioned) hindi mo ito mararamdaman dahil sa dami ng taong nakasakay bawat sekyon ng tren. Punuan, tulakan, may mga pagkakataon pa na pwede kang mawalan ng gamit dahil halos magkakadikit na kayo ng mga taong kasama mo sa loob, maaari kang mahipuan, at nagkakahalo-halo ng amoy. Dahil na rin sa hindi maayos na pamamaraan sa loob ng MRT/LRT. Lahat ng uri ng estado sa buhay ay sumasakay dito . Kahit mayaman ka pa . Pero sa ngayon, madalas ang nangyayaring aberya sa LRT kaya maraming nadidismay