Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hulyo, 2017

Pangunahing problema sa Lrt at Mrt sa Pilipinas.

Ang LRT / MRT ay mga tren na gamit din sa transportasyon sa Pilipinas. Marami ang sumasakay sa LRT/MRT dahil bukod sa mas makakatipid sa pamasahe ay mas mabilis kang dadalhin nito sa iyong paroroonan sa gusto mong puntahan . Kung ang positibong bagay sa pagsakay sa LRT/MRT ay makatitipid at mabilis, mayroon ding negatibong bagay ang pagsakay rito. Bilang marami ang sumasakay sa mga transportasyong ito, siksikan madalas ang senaryo na makikita dito. Siksikan, mainit, kahit pa sabihin nating (air conditioned) hindi mo ito mararamdaman dahil sa dami ng taong nakasakay bawat sekyon ng tren. Punuan, tulakan, may mga pagkakataon pa na pwede kang mawalan ng gamit dahil halos magkakadikit na kayo ng mga taong kasama mo sa loob, maaari kang mahipuan, at nagkakahalo-halo ng amoy. Dahil na rin sa hindi maayos na pamamaraan sa loob ng MRT/LRT. Lahat ng uri ng estado sa buhay ay sumasakay dito . Kahit mayaman ka pa . Pero sa ngayon, madalas ang nangyayaring aberya sa LRT kaya maraming nadidismay

KARAPATAN NG MGA HAYOP

Imahe
    Maraming tao ang nagmamay-ari ng mga iba't ibang klase ng hayop sa mundo. Mahalaga sa bawat hayop na maalagaan dahil sila rin ay katulad natin na may pakiramdam. Bawat isa sa mga hayop ay may karapatang itrato ng mabuti at ituring na miyembro ng pamilya o kaya ay isang kaibigan. Ang mga hayop ay ginawa ng Diyos na may kanya kanyang halaga, kaya nararapat lamang na sila ay respetuhin. Bawat isa sa mga hayop ay may kanya kanyang silbi sa lipunan, kaya dapat lamang natin silang bigyan ng importansiya.       Sa panahon ngayon, maraming hayop ang sinasaktan sa kabila ng batas na ginawa upang tigilan na ang pananakit sa mga ito. Ngunit patuloy pa rin ang mga tao sa pananakit sa mga hayop. Bakit nga ba nila nagagawang saktan ang mga hayop? Hindi ba sila natatakot sa mga maari nilang harapin na parusa? O hindi nila alam ang parusa na kanilang maaring harapin?      Marami tayong nababalitaan sa pagmamalupit sa aso, ang iba ay nagsasagawa ng dog fights , may kakatay at b